Saturday, November 6, 2010

MGA BANAT

1. “Lahat naman ng tao sumeseryoso pagtinamaan ng pagmamahal. Yun nga lang, hindi lahat matibay para sa temptasyon.”

2. “Gamitin ang puso para alagaan ang taong malapit sayo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo..”

3. “Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawakan ng iba.”

4. “Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang.”

5. “Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na.”

6. “Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin.”

7. “Kung maghihintay ka nang ng lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.”

8. “Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang.”

9. “Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa tanga kundi pagkukusa.”

10. “Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga tao rin na di mo mahal pero mahal ka. Kaya quits lang.”

11. “Bakit ba ayaw matulog ng mga bata sa tanghali? Alam ba nilang pag natuto silang umibig e hindi na sila makakatulog kahit gusto nila?”

12. “Hindi lungkot o takot ang mahirap sa pag-iisa kundi ang pagtanggap na sa bilyon-bilyong tao sa mundo, wala man lang nakipaglaban upang makasama ka.”

13. “Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!”

14. “nalaman kong hindi final exam ang passing rate ng buhay. hindi ito multiple choice, identification, true or false, enumeration or fill-in-the-blanks na sinasagutan kundi essay na isinusulat araw-araw. Huhusgahan ito hindi base sa kung tama o mali ang sagot, kundi base sa kung may kabuluhan ang mga isinulat o wala. Allowed ang erasures.”

15. “Wag magmadali sa pag-aasawa. Tatlo, lima , sampung taon sa hinaharap, mag-iiba pa ang pamantayan mo at maiisip mong di pala tamang pumili ng kapareha dahil lang sa kaboses niya si Debbie Gibson o magaling mag-breakdance. Totoong mas importante ang kalooban ng tao higit anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan sa eskwelahan e nagmumukha ring pandesal. Maniwala ka.”

16. “Ayokong nasasanay sa mga bagay na pwede namang wala sa buhay ko.”

17. “Hinahanap mo nga ba ako o ang kawalan ko?”

18. “Hindi dahil sa hindi mo naiintindihan ang isang bagay ay kasinungalingan na ito. At hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan. “

19. “Kumain ka na ng siopao na may palamang pusa o maglakad sa bubog nang nakayapak, pero wag na wag kang susubok mag-drugs. Kung hindi mo kayang umiwas, humingi ka ng tulong sa mga magulang mo dahil alam nila kung saan ang mga murang supplier at hindi ka nila iisahan.”

20. “Mag-aral maigi. Kung titigil ka sa pag-aaral, manghihinayang ka pagtanda mo dahil hindi mo naranasan ang kakaibang ligayang dulot ng mga araw na walang pasok o suspendido ang klase o absent ang teacher. (Haaay, sarap!).”

21. “Mangarap ka at abutin mo. Wag mong sisihin ang sira mong pamilya, palpak mong syota, pilay mong tuta, o mga lumilipad na ipis. Kung may pagkukulang sa’yo mga magulang mo, pwde kang manisi at maging rebelde. Tumigil ka sa pag-aaral, mag-asawa ka, mag-drugs ka, magpakulay ka ng buhok sa kili-kili. Sa bandang huli, ikaw din ang biktima. Rebeldeng walang napatunayan at bait sa sarili.”



                                                                          II




1. Minamalat na naman ang puso ko...
++ Paano kasi, laging sinisigaw ang pangalan mo.

2. Ikaw ba may-ari ng Crayola?
++ Ikaw kasi nagbibigay ng kulay sa buhay ko.

3. Uy papicture tayo!
++ Para ma-develop tayo!

4. Kung ikaw ay bola at ako ang player, mashushoot ba kita?
++ Hindi, para lagi kita mamimiss.

5. Can i take your picture?
++ Coz i want to show Santa exactly what i want for Christmas!

6. Exam ka ba?
++ Gustong gusto na kasi kitang i-take home eh!

7. Lecture mo ba ako?
++ Lab kasi kita.

8. Centrum ka ba?
++ Kasi you make my life complete!

9. Miss pwede ba kita maging driver?
++ Para ikaw na magpapatakbo ng buhay ko.

10. Mahilig ka ba sa asukal?
++ Ang tamis kasi ng mga ngiti mo.

11. Pinaglihi ka ba sa keyboard?
++ Kasi type kita.

12. I hate to say this but... You are like my underwear.
++ Coz i can't last a day without you!

13. Ibibili kita ng salbabida.
++ Kasi malulunod ka sa pagmamahal ko.

14. Pwede ba kitang maging sidecar?
++ Single kasi ako eh.

15.Me lisensya ka ba?
++ Coz you're driving me crazy eh.

16. May kilala ka bang gumagawa ng relo?
++ May sira ata relo ko.. pag ikaw kasi kasama ko, humihinto ang oras ko.

17. Grabe nakakatawa yung mga pick-up lines noh? hahaha! May alam ka pa bang iba? Wala na akong maisip eh.
++ Coz all i ever think of is you.

18. I'm a bee.
++ Can you be my honey?

19. Nakakatakot di ba ang multo?
++ Pero mas nakakatakot kapag nawala ka sa buhay ko.

20. Am i a bad shooter?
++ Coz i keep on missing you.

22. Naniniwala ka ba sa love at first sight?
++ Oh gusto mong dumaan ulit ako?

23. Mabilis ka siguro sa mga puzzle noh?
++ Kasi kakasimula pa lang ng araw ko, pero nabuo mo na agad.

24. Excuse me.. Are you a dictionary?
++ Because you give meaning to my life.

25. Bangin ka ba?
++ Nahuhulog kasi ako sa'yo.

26. Pustiso ka ba?
++ Kasi, can't smile without you.

27. Pagod na pagod ka na noh?
++ Maghapon kana kasing tumatakbo sa isipan ko eh.

28. Me butas ba puso mo?
++ Kasi natrap na ako sa loob, can't find my way out!

29. Anung height mo?
++ Ha? Pano ka nagkasya sa loob ng puso ko.

30. Hey, did you fart?
++ Coz you blew me away!

31. Sana "T" na lang ako.
++ Para I'm always right next to "U"

32. Are you Jamaican?
++ Kasi Ja-maican me crazy!

33. Hindi tayo tao.. Hindi tayo hayop.
++ BAGAY tayo. BAGAY talaga tayo.

34. Ako ay isang exam.
++ Kaya sagutin mo na ako.

35. Favorite Subject mo ba Geometry.
++ Kasi kahit saang angle ka tignan ang ganda mo eh!

No comments:

Post a Comment