Sunday, September 25, 2011

ANG TUNAY NA LALAKE...

”Ang tunay na lalaki, kapag nakabuntis, ‘di naiisip ang salitang abortion.”




“Ang tunay na lalaki, mas mahal ang girlfriend niya kapag hindi ito naka-make-up. Simplicity is her best asset, at yun ang nagustuhan niya.”




“Ang tunay na lalaki hindi sumasali sa fraternity para lang masabing astig siya. Sumasali siya para sa prinsipyo. Hindi para sa hazing at pagmamayabang.”




“Ang tunay na lalaki, marunong tumingin ng maganda. Pero sa huli, si girlfriend parin ang bida.”




”Ang tunay na lalaki, hinding hindi ikakahiya na siya ay Mama’s boy.”




“Ang tunay na lalaki, nagmamano sa magulang ng girlfriend niya.”




“Ang tunay na lalaki, hindi nahihiyang mag-open up at umiyak sa harapan mo. Hindi naman nakakapagpababa ng pagkalalaki ang pag-iyak. Lahat naman ng tao nalulungkot, kasi lahat ay nasasaktan.”




“Ang tunay na lalaki, hindi poporma sa ibang chicks para lang makaiwas sa pang-aasar ng mga kabarkada niya. Paninindigan niya kung sino ang laman ng puso niya, hindi kung sino ang type ng barkada.”




"Ang tunay na lalake WALA na"hahaha



No comments:

Post a Comment