Wednesday, February 15, 2012

- MGA TULA -


ALA-ALA NG LUMIPAS


Maraming beses na kitang gustong kalimutan
Ngunit habang ginagawa ko lalo akong nasasaktan
Kasabay ng pag iyak ko ay ang pagiyak ng langit
Lalo akong nadudurog dahil may iba ka ng kakapit


Sa tuwing sumasapit ang panahon ng tag ulan
Di ko maiwasang bumalik sa nakaraan
Tangan ang pulang tinta at papel, sakit na di maikubli
Puso ko na nagdurugo, walang kahit anung tagpi


Di ko sukat akalain na hahantong sa ganito
Pakiramdam ko araw araw namamatay ako
Pagsasamang kay saya pilit na kinakalimutan
Ngunit ang lungkot at hapdi ang nararamdaman


Ginawa ko ang lahat ng higit sa inaasahan
Saksi ang langit sa ating pagiibigan
Ngunit sa ating pagmamahalan anu ba ang nagging mali?
Nagseselos ba ang langit kaya ngaun ay puro pighati


Masakit mang isiping hindi kana mahagkan
Sa bawat sinusulat kong bersikulo ikaw padin nilalaman
Siguro nga tama sila, mahal pa din kita
Kahit masaklap mang isiping meron ka ng iba


Sana dumating na ang tamang araw sa akin
Makilala ko ang pagibig na nakalaan sa akin
Ngayon sa huli kong kataga ay aking sasambitin
Kaligayahan moh pa din ang aking dalangin






DAMDAMIN NG ANAK




Hindi mapigilang lumuha ang mga mata,
Dulot ng nakakasugat na mga salita ni ina. 


Ako raw ay isang malaking kabiguan,
Laki sa layaw at walang patutunguhan.


Ipinanganak raw akong walang kwenta,
Palamunin at patuloy lang na umaasa.


Salita’y nagdulot sa akin ng kalungkutan,
Di niya alam na ako’y labis na nasasaktan.


Hanap ko lamang ay kanyang oras at kalinga.
Pag-aaruga niya’y hindi ko man lang madama.


Pagitan nami’y kasing layo ng mga ulap.
Tila hindi ko na maabot ang aking pangarap.


Isang pangarap na ako’y kanyang tatanggapin,
Hilumin ang pighati at mahigpit na yayakapin.


Ako’y anak na sana’y pagmamahal ay makamtan,
Ng isang inang kailanma’y hindi ako naiintindihan.


Ngunit sa kabila ng lahat ng nagawa niya,
Hindi ako nagtanim ng puot dahil mahal ko siya.






Kaibigan o Ka-ibigan


Sabi mo kayo ay magkaibigan
Ngunit isip ko ay naguluhan
Twing magkasama kayo't nagtatawanan
Di mo pansin yong kapaligiran.


Sabi mo kayoy magkaibigan
Ngunit bakit pagtratoy ganyan
Lagi mong buhat kanyang dala-dala
Lagi sa kanyang tabi na parang guardia.


Sabi mo kayoy magkaibigan
Ngunit bakit syang laging laman ng ating usapan
Keso best friend mo sya, di mo mapulaan
Samantalang aking mga pagkukulang di mo malimutan.


Sabi mo kayoy magkaibigan
Ngunit isang araw sa may halamanan
Nakita ko kayong naghahalikan
Yan ba ang kaibigan, o mas tamang tawaging ka-ibigan.






Sermon sa Kabataan


Magandang araw sa inyo,
Ako ay naririto
Upang magbigay ng payo at komento
Sa kabataan ng buong mundo.


Ang ating kasalukuyang henerasyon,
Ay ibang iba sa noon.
Mga kabataan natin ngayon..
Tila lumalala lumalaon.


Dapat unahin ang magka-diploma
Kaysa gumala at magdota.
Ugaliing pumasok sa eskwela
At hangarin ang mataas na marka.


Matutong mamili ng barkada nyo
At piliting uwimas sa mga bisyo.
Ang droga at paninigarilyo,
Maaaring makasira sa buhay mo.


Di ba mas masarap magtrabaho,
Pag may natapos na magandang kurso?
Posibleng matupad lahat ng pangarap nyo
At makatulong sa pamilya mo.


Wag hayaang malulon sa sugal
Hangarin ang kumita sa paraang legal.
Nang sa pangarap ay walang sagabal
At di damputin sa may rehas na bakal.


Makinig palagi sa inyong mga magulang
Na sa pagmamahal at aruga ay di nagkulang.
Hangad sa inyo’y magandang kinabukasan
At buhay na di nyo pagsisisihan.






Inuman na!!!




Alak ang laging kailangan
Pag may problema ang kaibigan
Uumpisahan ng inuman..
Bago ang seryosong kwentuhan


Habang may nagkukwento
Umiikot ang tagayang baso
Inumin muna ang shot mo
Bago magbigay ng payo..


Alak pa rin ang kailangan..
Pag mayrong kasiyahan
Maingay at masayang inuman..
Sinasamahan pa ng sayawan..


Tumitibay ang barkadahan..
Pag laging may inuman.
Dumadami ang kaibigan
Ng di mo namamalayan..


Alak ang laging sentro
Di alintana ang presyo
Ano bang meron sayo?..
Ika’y hanaphanap ng mga tao..


Puro sakit naman ng ulo..
Ang lagi mong epekto..
Kadalasa’y may kasamang hilo..
Pinakamalala ang isang gulo..


Pag merong selebrasyon
O kahit anong okasyon..
Alak ang nangunguna..
At laging bidang bida..


Lasa ng alak ba talaga ang hanap?..
O gusto lang ng makakausap?..
Alak ba ang nagpapasaya?..
O kaibigan mong laging dinadamayan ka?..


Alak ba talaga ang namimiss mo?..
O masayang kwentuhan ng barkada nyo?..
Alak ba ang hingahan ng problemado?..
O kainuman nyang lagi syang dinarayo?..


Alak ang sentro ng tulang ito
Sana’y naibigan ninyo..
Tara na at ikampay mo.. 
Mag-inuman na tayo! 






I Love you... Tropa!


Pag tropa…tropa!!!!
Yan ang lagi kong linya…
Walang taluhan sa barkada..
Ang lagi ko namang paalala...


Sila ang nakakaalam ng sikreto..
At alam buo kong pagkatao..
Kabisado nila ang ugali ko..
Tanda lahat ng ayaw at gusto..


Pero sa lahat ng aking barkada..
Siya ang medyo naiiba..
Di ko binigyan ng malisya..
Lahat ng ikinikilos nya..


Pag pakiramdam ko’y masama,
Bigla syang mawawala..
Pagbalik nya’y may gamot na dala..
Nagpunta pala sa klinika..


Sya ang laging nagbubuhat..
Pag ako’y may dala dalang mabibigat..
hindi ako iniiwang mag-isa..
At di kumakain ng di ako kasama..


Laging ibinibigay ang malambot na higaan..
para lang aking matulugan..
syang may-ari ng higaan..
sa lapag mo madadatnan..


lumipas ang ilang taon..
pagtingin mo pala’y di na ganoon..
tropang pagtingin mo noon..
mahal na kung ituring ngayon..


ang linya kong dating binibitawan..
tila aking nakalimutan..
ngayon ako’y masaya..
buhat ng magmahal ng isa tropa..


ang pagkakaibigang nauwi sa pagmamahalan..
isang bagay na hindi inaasahan..
desisyong walang dapat pagsisisihan..
tunay na kaligayan ang naramdaman..






IKAW....


ikaw ang bumubuo ng araw ko..
at sa akin ay kumukumpleto..
ikaw din ang nagbibigay ng payo..
kapag ako ay problemado..


ikaw ang laging nagpapasaya..
dahilan ng aking ngiti at malakas na tawa..
lahat ng pagsubok ay kinakaya..
basta ikaw ay aking kasama..


ikaw ang pinakamatalik na kaibigan..
partner kong tunay na maasahan..
tumatanggap sa aking kamalian..
aalagaan..iingatan magpakailanman..


ikaw ang tumutulong sa akin..
mga pangarap ko’y abutin..
kalusugan ko’y iintindihin..
pagkat yon ang mahigpit mong bilin..


ikaw ang sagot sa aking dasal..
matagal kong hiniling sa Maykapal..
tunay at wagas na pagmamahal..
kakayanin, tatalunin lahat ng sagabal..


sa iyo umiikot aking mundo..
pinana at pinares ni kupido..
ang buhay ko’y inilaan na sa yo..
nais makasama hanggang tumanda tayo..


ikaw ang lahat lahat sa akin..
wala ng ibang hihilingin..
pinakamasayang araw man din..
ay mula nang IKAW ay maging akin...






Galit ako!!!!




Ngayon ko lang mailalabas ang galit ko,
tila ngayon lang bumukas ang isip na to..
dahil simula ng naging tayo..
ako’y naging bulag, tanga at bobo..


pero ngayong matino na ang ulo..
pakinggan lahat ng hinanakit ko..
ngayon lang sasabihin sa yo..
kaya tanggapin mo lahat ng ito..


nakakabilib nung nanliligaw..
laging nasa tama bawat mong galaw..
una akong babatiin pagsikat ng araw..
laging kausap ko ay ikaw..


simula ng maging tayo na..
mas inuuna na ang pagdodota..
wala ng oras para makipagkita..
dahil barkada ang mas gustong kasama..


puro sakit ang nadama,
sa relasyong lumipas na..
sakit ng ulo lang ang nakuha,
at walang nagawa kundi lumuha..


mundo ko’y umikot sa yo,
pinahalagahan ka pa ng todo..
pati sarili’y nagawang mabago,
para sa lang sa isang gago..


tiniis lahat ng pagdududa mo..
inintinding ikaw ay seloso..
ngunit anong ginawa mo?..
ikaw pala ang manloloko..


minsan lang kita mamumura,
gago ka, leche ka at punyeta!!!..
sino ka at ano bang meron ka?..
dahil..’gang ngayon,….


MAHAL PA RIN KITA!



Mga WAGAS na BANAT

> Minsan kung sino pa 'yung
HINDI KA LUBOS na kilala.

Sila pa 'yung NANGHUHUSGA
sa'yo ng SOBRA.

> Hindi ka biniyayaan ng
MAGANDANG MUKHA.

Para lang manlait ng iyong
kapwa.

> Hindi lahat ng tahimik ay
NASA LOOB ANG KULO.

Sila kasi 'yung tipo ng tao
na MARUNONG MAG-ISIP bago
KUMIBO.

> Aanhin mo naman ang
bahay na bato.

Kung KABIT ka lang naman
na itinira dito.

> Walang limitasyon ang
UMASA.

Pero may hangganan ang
pagiging TANGA.

> Walang taong PRETTY.

Sa babaeng nag-uumapaw
ang INSECURITY.

> Ang TSISMIS parang history
lang 'yan.

Pinaniniwalaan kahit hindi
naman nasaksihan.

> Ang RELASYON parang kape
'yan.

Lumalamig kapag
napabayaan.

> Hindi sapat na sabihin mong
MAHAL MO AKO.

Ang gusto ko, IPAGKALAT
MO!

> Aanhin mo ang MAGANDA/
GWAPONG karelasyon.

Kung siya naman ang
umuubos ng iyong IPON.

> Hindi dahil natikman mo na..
eh SA'YO na.

Minsan may FREE TASTE lang talaga.

> Ang FLIRT parang china
plone lang.

Nagmamagandang tingnan, LOW QUALITY naman.

> Ang hirap magtiwala..

Lalo na sa TAONG MAGALING MANGALIWA.

> Ang babaeng malungkot, madaling mahulog..

Sa lalaking ungng magko-COMFORT.

> Ang babaeng ayaw makipag-date.. PAKIPOT.

Ang lalaking ayaw makipag-date.. KURIPOT.

> Ang tunay na MALDITA..

Tinatawanan lang ang mga INGGETERA.

> Wag na wag mo akong tanunging kung mahal kita.

Baka kasi kapag sumagot ako, KILIGIN ka.

> Kung krimen man ang pagiging GWAPO o MAGANDA..

Wag kang mag-alala, INOSENTE ka.

> Walang CURE..

Sa taong INSECURE.

> Hindi mo maa-appreciate ang mga bagay na meron ka.

Hangga't patuloy kang NAIINGGIT sa iba!

> Kung ayaw mong sundan ng tukso.

Huwag kang UMARTE na parang INTERESADO!

> May mga taong kayang tiisin ang HAPDI.

Pero ang KATI, HINDI!

> Piliin mo 'yung taong kayang mag-effort na makausap ka.

Hindi 'yung taong maaalala ka lang pag no choice na siya.

> Wag kang matakot sa kaibigan mong MAGANDA.

Kabahan ka sa kaibigan mong MALANDI.

> Kung legal lang ang magsunog ng PLASTIC na tao.

For sure, POLLUTED na ang mundo.

> May shortage na ba talaga ng LALAKI ngayon.

At kailangan mo pang MANG-AGAW para magkaroon.

> Aanhin mo ang PAG-IBIG na WAGAS.

Kung pag nagsama na kayo, wala kayong pambili kahit na BIGAS.

> Ang SECOND CHANCE, binibigay para magbago.

Hindi para UMABUSO.

> Pangit man ako sa iyong paningin.

Paki-check 'yung boyfriend mo kasi sa akin nakatingin.

> Magaling ka lang MAGPAGANDA ng MUKHA.

Pero MAGPAGANDA ng UGALI hindi mo MAGAWA.

> Ang LALAKING hindi marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan.

Malamang NATULALA sa aking KAGANDAHAN.

> Ang TUNAY na KAIBIGAN kahit na busog pa 'yan.

Kapag nang-libre ka, KAKAIN at KAKAIN pa rin 'yan.

> Kapag may PROBLEMA kang pinagdadaanan.

Daanan mo lang, huwag mong tambayan.

> Aanhin mo pa ang iyong SEXY body.

Kung mukha mo lang naman ang makikita sa ID.

> Ang PULUTAN ay PAMATAY LASA.

Hindi PANTAWID GUTOM.

> "PANGIT" ka man sa paningin mo.

Huwag kang mag-alala "MARAMI KAYO".

> BALIW man ako sa iyong PANINGIN

Subukan mong TUMITIG, MABABALIW ka din.

> Aanhin mo si EX kung better naman si NEXT.

Anong silbi ni NEXT kung mahal mo pa din si EX?

> Lahat naman pwede mong maging KAIBIGAN.

Ingat ka lang kasi 'yung iba NAGPAPANGGAP lang.

> Kasing lakas ba ng ALAK ang TAMA mo sa kanya?

Wag kang mag-alala, darating din ang araw na ISUSUKA mo siya.

> May mga PAANG magandang SAPATUSAN.

Pero may mga MUKHANG masarap SAPATUSIN.

> Kapag IN A RELATIONSHIP na siya..

Matuto kang DUMISTANSYA.

> Sa sobrang GWAPO mo..

GWAPO na rin ang HANAP mo.

> Kung sa tingin mo magulo ang buhay mo.

Malay mo, sinadya 'yan para ayusin ko.

> Wag mo ng itanong kung bakit ako nabalian ng BUTO.

Malamang nung nahulog ako, HINDI MO AKO SINALO.

> Pwede kang magmahal ng SABAY pero aminin mo man o hindi.

Hindi mo sila kayang MAHALIN ng PANTAY.

> OK lang kung hindi MAGING TAYO.

Basta huwag lang ding MAGING KAYO.

> Aanhin mo ang MAGANDA at MAPUTI.

Kung sumasayad naman sa lupa ang LANDI.

> Hanapin mo 'yung taong gagawin kang PRIORITY.

Hindi 'yung gagawin ka lang TEMPORARY.

> Kung hindi ka gagawa ng kalokohan habang bata pa.

Wala kang maaalalang nakakatawa pag matanda ka na.

> Ang taong PANGIT..

Sa EDIT kumakapit!

> Motto ng PANGIT:
"What is beauty if your brain is empty."

Resbak ng MAGANDA:
"What is knowledge if your face is damaged."

> Ang mga babae parang pagkuha ng passport.

Ang daming REQUIREMENTS.

> Wag angkinin ang taong hindi na sa'yo.

Ang isipin mo, may taong magmamahal sa'yo at aangkinin ang puso mong pinaluha ng taong minahal mo.

> Kung ipagpapalit mo ako.

Siguraduhin mong dun sa MAIINGGIT ako, hindi dun sa MATATAWA ako.

> Ang mga babaeng sobra MAGLAMBING.

Sila din 'yung masyadong MATAMPUHIN.

> Kaya ko namang magmahal ng iba.

Kung hindi lang kita nakilala.

> Kung ayaw mong masaktan.

Simple lang, iwasan mong magmahal ng taong alam mong hindi ka kayang ingatan.

> Kapag hindi na nagpaparamdan ang taong mahal mo, baka patay na.

PATAY na PATAY na sa iba!

> Hindi mo naman masasabing tanga ka.

Siguro, matiyaga ka lang sa mga taong MAHAL mo ng SOBRA.

> Aanhin ang gandang UMAAPAW.

Kung ang BILBIL naman ay lumalawlaw.

> Huwag kang magmalinis..

Kung hindi ka naman MAKINIS.

> Ang PUSO hindi namimili ng ITSURA.

Yung UTAK lang talaga ang ECHOSERA.

> Aanhin ang ganda ng mukhang umaani ng puri.

Kung ang katawan naman ay saksakan ng landi.

> Glow in the dark ka ba?

Kasi sa GABI ka lang MAGANDA.

> Ang taong nagmamahal ng TAPAT.

Hindi sa Facebook BUMABANAT.

> Dapat habang tumatagal, lalo mo siyang pinapakilig.

Hindi 'yung habang tumatagal, bigla ka nalang manlalamig.

> Pag ang BABAE kinutuban, may KATOTOHANAN.

Pag ang LALAKI kinakabahan, malamang IN-LOVE 'yan.

> Sa dinami-daming GWAPO sa mundo.

Di ko na alam kung saan lulugar ang CUTE na katulad ko.

> Ang taong IN-LOVE..

Kung maka-IMAGINE sagad.

> Ang PRIDE sa damit ginagamit.

Hindi sa relationship.

> Ang LALAKING wala sa KATINUAN.

AKO ang nasa ISIPAN.

> Sa RELASYON man o sa ALGEBRA.

Ang eX talaga ang laging PROBLEMA.

> Mabait man sa paningin..

May tinatagong LANDI rin.

> Aanhin mo ang GWAPONG KARELASYON.

Kung siya naman ang uubos ng iyong FOUNDATION.

> MAGMAHAL ka ng totoo..

Hindi 'yung dahil NAIINGGIT ka lang sa mga kaibigan mo.

> Ang TUNAY na KAIBIGAN..

Tatawanan ka muna bago ka tulungan.

> Walang MATINIK na LALAKI..

Sa mala-PUSANG BABAE!

> Ang yabang ay para lamang sa may IPAGYAYABANG.

Kung wala pa, asikasuhin munang MAGPAYAMAN.

> Ang TUNAY na MAGANDA..

Kahit single, MASAYA!

> Ang hirap KUMALMA..

Lalo na pag SELOS na SELOS ka na.

> Aanhin ang ka-SWEETAN.

Kung sa lahat naman ay ginagawa niya 'yan.

> Ang TUNAY na LALAKI, mamahalin ka kahit anong mangyari.

Hindi 'yung iiwan ka kapag WALANG NANGYARI!

> Ang AMPALAYA ay inuulam.

Hindi INUUGALI!

> Aanhin mo pa ang SEXY at MAGANDA.

Kung lahat ng lalaki nag-PLANKING na sa kanya.

> Kung MAGMAMALINIS ka rin lang.

Sana nag-JANITOR ka nalang.

> Kung may bayad lang ang PAGSISINUNGALING.

Malamang LUBOG ka na sa UTANG.

> Maraming tao ang nakakakilala sa'yo.

Pero maniwala ka, iilan lang sa kanila ang nakakaintindi sa'yo.

> May mga lalaking kung makaporma feeling SWAG.

Samantalang ang batok puro libag.

> Minsan ang pagkukulang wala sa taong nagbibigay.

Kundi sa isip ng taong binibigyan.

> Kung wala kang relasyon.

Puso ko ang solusyon.

> Sabi nila:
"Wag ng hangarin ang pag-aari ng iba."

Sabi ko naman:
"Anong silbi ng pag-aari niya kung isang ngiti ko lang, pag-aari ko na siya?!"

> Halos lahat ng bilihin nagmamahalan na.

Tayo na lang ang hindi.

> You can't ever let go of all the feelings.

But you need to let go of him.

> Kung trabaho ko ang mahalin ka.

Siguro yumaman na ako sa kaka-OVERTIME sa'yo.

> Hundred of mens said:
"Walang matinong lalaki sa malanding babae."

I think it should be:
"Walang malanding babae kung matino ang lalaki."

> Wag mong isaksak ang sarili mo sa taong nagawa kang iwan.

Hanap ka nalang ng matino na kaya kang pahalagahan.

> Sa pagmamahal, walang TAMA o MALI.

Yun nga lang, merong PWEDE o HINDI.

> Ang KATOTOHANAN ay parang ANTIBIOTIC.

Mapait man pero nakakagaling.

> Ang babae, marami mang arte sa katawan.

Hindi 'yan gadget para kolektahin at paglaruan.

> Mas ok na ang mag-bingi-bingihan.

Kesa pakinggan ang mga kasinungalingan.

> Ayoko sa relasyong magtatagal.

Gusto ko 'yung hindi matatapos.

> Noong bata ako, ang dami kong PANGARAP.

Pero ngayon, AKO na ang PINAPANGARAP.

> Ang mga MANLOLOKO, parang LAMOK.

Kung kani-kanino dumadapo, nananakit na nga, nag-iiwan pa ng marka.

> Hindi porke may brace ka ay feeling gwapo ka na.

Tandaan: Ibig sabihin niyan, pangit ngipin mo!

> Hindi naman lahat ng minamahal, dapat pakawalan.

At hindi rin naman lahat ng minamahal, dapat ipaglaban.

> Pangarap kong gumising sa umaga na wala ka sa tabi ko.

Kundi nasa KUSINA at naghahanda ng almusal ko dahil ikaw na ang ASAWA ko.

> Kung palagay mo ikaw ang mundo niya.

Abay, adik ka! Feeling mo naman PLANETA ka!

> Sa dinami-dami ng description ng cute sa mundo.

Sa salamim ko pa nalaman ang true meaning nito.

> Wag mong gawing TAMBAYAN ang isip ko.

Pag ako naasar, IKUKULONG kita sa PUSO ko.





credits to SYMBIANIZE

koleksiyon ng mga astig na pick-up lines ;-)

“You must be corny! ‘Cause you keep on popping into my mind.”
“You know what? If I get married? I won’t even invite you! …. Cause you’re going to be my bride.”
“My heart is like a baker … it’s always beating for you.”
Contributor: obiwankamote
“You look like trash and I want to take you out”
“Excuse me, you dropped something back there…my jaw!”
“I think you have something in your eye. Nope, it’s just a sparkle.”
“Do you come here often? You could, with me.”
“You’re like a dictionary: you add meaning to my life!”
“If you were a booger, I’d pick you first!”
Contributor: digitasj
“bangin ka ba? kasi nahuhulog na ako para sa iyo”
Contributor: bart
“Cholesterol ka ba? kasi nakakataba ka ng puso e…”
“Para tayong science … may chemistry tayo e”
“High voltage ka ba? Kasi there’s a spark between us”
“Para kang programming bug … kahit anong gngwa ko .. andyn ka pa ren”
Contributor: leyda
“may isang guy na nadulas sa harap ng crush nia ..” see how i fell for u?”..
“am i a bad shooter? cause i keep on missing you.. “
“ei, can u be my driver? para ikaw na ang magpatakbo ng buhay q!”
“eraser ka ba? di ka na kasi mabura sa icip q.”
“may alam ka bang gumagawa ng relo? sira kasi ata relo q.
pag ikaw kasama q, humihinto ang oras q..”
“mahilig ka bang magbasketball? kasi pinapatalbog mu ang puso q pag nkikita kita..”
“kung bola ka at isshoot kita, di q gagawin un.kasi mamimiss kita!!!”
“mamamalat nnman ang puso q..kasi lagi sinisigaw ang pangalan mu!!!”
“can i have ur jersey? bacause i want ur name and number..”
“do u know where the nearest bakery is? so i can buy a cutiepie like u..”
“hershey’s chocolate ka bah? kasi im craving for ur kisses!!!!”
“alarm clock ka bah? kasi ginigsing mu ang natutulog kong puso..”
“pagkain ka ba? kasi di aq mabubuhay ng wala ka..”
“kung aq businessman, lahat ng tao bbentahan q ng mura.kaw hindi!!! dhil sau lang aq nagmamahal..”
“ibibili kita ng salbabida..bka kasi malunod ka sa pagmamahal ko..
“taga meralco ka ba? kasi ikaw nagbibigay liwanag sa buhay q..”
“siguro magaling ka sa puzzle? kasi umaga pa lang, binuo mu na ang araw ko..”
“do i believe in love at first sight? or do u want me to walk again?!”
“if i can be a letter, id like to be “T”..so i can be close to “U”
“Tarsier ka ba? Lagi ka kasing na-boBohol sa isipan ko..”
“Anong blood type mo? akin kasi ‘O’ … sana ikaw ‘K’ para OK tayo”
Contributor: katiting
“nasan ka kagabi?! bat wala ka sa panaginip ko??”
“bukas, sisingilin kita ng upa mo.. kasi matagal ka ng nanihirahan sa puso ko..”
“can you recommend a good bank where i can make a deposit? coz i’m planning to save all my love for you..”
“ano pang silbe ni GRAVITY? E kung sayo pa lang nahuhulog na ako..”
“Ang buhay ko are parang nakasakay sa seesaw.. down ako pag wala ka!”
Contributor: mela
"Minamalat na naman ang puso ko..
paano kasi, laging sinisigaw ang pangalan mo.."
"Ikaw ba may-ari ng Crayola??
ikaw kasi nagbibigay ng kulay sa buhay ko.."
"Uy picture tayo!!
para ma-develop tayo!!"
"Can i take your picture??
coz i want to show Santa exactly what i want for christmas!!"
"Exam ka ba??
gustong gusto na kasi kitang i-take home eh!!"
"Lecture mo ba ako??
lab kasi kita.."
"Centrum ka ba??
kasi you make my life complete!!"
"Mahilig ka ba sa asukal??
ang tamis kasi ng mga ngiti mo.."
"Pinaglihi ka ba sa keyboard??
kasi type kita.. "
"I hate to say this but... You are like my underwear..
coz i can't last a day without you!!"
"Pwede ba kitang maging sidecar??
single kasi ako eh.."
"Me lisensya ka ba??
coz you're driving me crazy eh.."
"I'm a bee..
can you be my honey??"
"Nakakatakot diba ang multo??
pero mas nakakatakot kapag nawala ka sa buhay ko.."
"May lahi ka bang aswang??
ang pangit mo kasi eh.."
"Excuse me.. Are you a dictionary??
because you give meaning to my life.."
"Pustiso ka ba??
kasi, I can't smile without you.."
"Pagod na pagod ka na noh??
maghapon at magdamag kana kasing tumatakbo sa isipan ko eh.."
"Me butas ba puso mo??
kasi natrap na ako sa loob, can't find my way out!!"
"Anung height mo??
ha?? pano ka nagkasya sa loob ng puso ko.."
"Hey, did you fart??
coz you blew me away!!"
"Are you Jamaican??
kasi Ja-maican me crazy!!"
"Nde tayo tao..Nde tayo hayop.
BAGAY tayo. BAGAY tlga tayo. "
"Ako ay isang exam.
kaya sagutin mo na ako..."
"Excuse me.. do you have a map?
'Cause I got lost in your eyes!"
"Mag empake ka! Pupunta tayong home for the aged!
Because I wanna grow old with you!"
"Ako na magbabayad ng tuition fee mo...
Pag-aralan mo lang akong mahalin."
"para kang birthday ko. nung nakilala kita,
dun nag-umpisa ang buhay ko."
"Para kang brain cells...
you're always on my mind."
"Para kang batas...
no one is above you."
"Para kang pamingwit...
nahuli mo ang atensyon ko."
"para kang bagyo...
ang lakas ng dating mo."
"Anong oras na?
Para masulat ko sa diary ko kung anong oras ako na-in love sa'yo."
"stand still
so i can pick you up."
"Siguro masama kang pinaghihintay...
grasya ka kasi e."
"Nung nakilala kita, nagmistula akong Microsoft Word...
I copied and pasted you into my heart."
"Para kang balakubak
I can't get you out of my head."
"Tapos ka na sa exam mo?
Para ako naman yung sagutin mo."
"Grabe nakakatawa yung mga pick-up lines noh??
hahaha! May alam ka pa bang iba?? Wala na akong maisip eh..
coz all i ever think of is you.."