Wednesday, February 15, 2012

- MGA TULA -


ALA-ALA NG LUMIPAS


Maraming beses na kitang gustong kalimutan
Ngunit habang ginagawa ko lalo akong nasasaktan
Kasabay ng pag iyak ko ay ang pagiyak ng langit
Lalo akong nadudurog dahil may iba ka ng kakapit


Sa tuwing sumasapit ang panahon ng tag ulan
Di ko maiwasang bumalik sa nakaraan
Tangan ang pulang tinta at papel, sakit na di maikubli
Puso ko na nagdurugo, walang kahit anung tagpi


Di ko sukat akalain na hahantong sa ganito
Pakiramdam ko araw araw namamatay ako
Pagsasamang kay saya pilit na kinakalimutan
Ngunit ang lungkot at hapdi ang nararamdaman


Ginawa ko ang lahat ng higit sa inaasahan
Saksi ang langit sa ating pagiibigan
Ngunit sa ating pagmamahalan anu ba ang nagging mali?
Nagseselos ba ang langit kaya ngaun ay puro pighati


Masakit mang isiping hindi kana mahagkan
Sa bawat sinusulat kong bersikulo ikaw padin nilalaman
Siguro nga tama sila, mahal pa din kita
Kahit masaklap mang isiping meron ka ng iba


Sana dumating na ang tamang araw sa akin
Makilala ko ang pagibig na nakalaan sa akin
Ngayon sa huli kong kataga ay aking sasambitin
Kaligayahan moh pa din ang aking dalangin






DAMDAMIN NG ANAK




Hindi mapigilang lumuha ang mga mata,
Dulot ng nakakasugat na mga salita ni ina. 


Ako raw ay isang malaking kabiguan,
Laki sa layaw at walang patutunguhan.


Ipinanganak raw akong walang kwenta,
Palamunin at patuloy lang na umaasa.


Salita’y nagdulot sa akin ng kalungkutan,
Di niya alam na ako’y labis na nasasaktan.


Hanap ko lamang ay kanyang oras at kalinga.
Pag-aaruga niya’y hindi ko man lang madama.


Pagitan nami’y kasing layo ng mga ulap.
Tila hindi ko na maabot ang aking pangarap.


Isang pangarap na ako’y kanyang tatanggapin,
Hilumin ang pighati at mahigpit na yayakapin.


Ako’y anak na sana’y pagmamahal ay makamtan,
Ng isang inang kailanma’y hindi ako naiintindihan.


Ngunit sa kabila ng lahat ng nagawa niya,
Hindi ako nagtanim ng puot dahil mahal ko siya.






Kaibigan o Ka-ibigan


Sabi mo kayo ay magkaibigan
Ngunit isip ko ay naguluhan
Twing magkasama kayo't nagtatawanan
Di mo pansin yong kapaligiran.


Sabi mo kayoy magkaibigan
Ngunit bakit pagtratoy ganyan
Lagi mong buhat kanyang dala-dala
Lagi sa kanyang tabi na parang guardia.


Sabi mo kayoy magkaibigan
Ngunit bakit syang laging laman ng ating usapan
Keso best friend mo sya, di mo mapulaan
Samantalang aking mga pagkukulang di mo malimutan.


Sabi mo kayoy magkaibigan
Ngunit isang araw sa may halamanan
Nakita ko kayong naghahalikan
Yan ba ang kaibigan, o mas tamang tawaging ka-ibigan.






Sermon sa Kabataan


Magandang araw sa inyo,
Ako ay naririto
Upang magbigay ng payo at komento
Sa kabataan ng buong mundo.


Ang ating kasalukuyang henerasyon,
Ay ibang iba sa noon.
Mga kabataan natin ngayon..
Tila lumalala lumalaon.


Dapat unahin ang magka-diploma
Kaysa gumala at magdota.
Ugaliing pumasok sa eskwela
At hangarin ang mataas na marka.


Matutong mamili ng barkada nyo
At piliting uwimas sa mga bisyo.
Ang droga at paninigarilyo,
Maaaring makasira sa buhay mo.


Di ba mas masarap magtrabaho,
Pag may natapos na magandang kurso?
Posibleng matupad lahat ng pangarap nyo
At makatulong sa pamilya mo.


Wag hayaang malulon sa sugal
Hangarin ang kumita sa paraang legal.
Nang sa pangarap ay walang sagabal
At di damputin sa may rehas na bakal.


Makinig palagi sa inyong mga magulang
Na sa pagmamahal at aruga ay di nagkulang.
Hangad sa inyo’y magandang kinabukasan
At buhay na di nyo pagsisisihan.






Inuman na!!!




Alak ang laging kailangan
Pag may problema ang kaibigan
Uumpisahan ng inuman..
Bago ang seryosong kwentuhan


Habang may nagkukwento
Umiikot ang tagayang baso
Inumin muna ang shot mo
Bago magbigay ng payo..


Alak pa rin ang kailangan..
Pag mayrong kasiyahan
Maingay at masayang inuman..
Sinasamahan pa ng sayawan..


Tumitibay ang barkadahan..
Pag laging may inuman.
Dumadami ang kaibigan
Ng di mo namamalayan..


Alak ang laging sentro
Di alintana ang presyo
Ano bang meron sayo?..
Ika’y hanaphanap ng mga tao..


Puro sakit naman ng ulo..
Ang lagi mong epekto..
Kadalasa’y may kasamang hilo..
Pinakamalala ang isang gulo..


Pag merong selebrasyon
O kahit anong okasyon..
Alak ang nangunguna..
At laging bidang bida..


Lasa ng alak ba talaga ang hanap?..
O gusto lang ng makakausap?..
Alak ba ang nagpapasaya?..
O kaibigan mong laging dinadamayan ka?..


Alak ba talaga ang namimiss mo?..
O masayang kwentuhan ng barkada nyo?..
Alak ba ang hingahan ng problemado?..
O kainuman nyang lagi syang dinarayo?..


Alak ang sentro ng tulang ito
Sana’y naibigan ninyo..
Tara na at ikampay mo.. 
Mag-inuman na tayo! 






I Love you... Tropa!


Pag tropa…tropa!!!!
Yan ang lagi kong linya…
Walang taluhan sa barkada..
Ang lagi ko namang paalala...


Sila ang nakakaalam ng sikreto..
At alam buo kong pagkatao..
Kabisado nila ang ugali ko..
Tanda lahat ng ayaw at gusto..


Pero sa lahat ng aking barkada..
Siya ang medyo naiiba..
Di ko binigyan ng malisya..
Lahat ng ikinikilos nya..


Pag pakiramdam ko’y masama,
Bigla syang mawawala..
Pagbalik nya’y may gamot na dala..
Nagpunta pala sa klinika..


Sya ang laging nagbubuhat..
Pag ako’y may dala dalang mabibigat..
hindi ako iniiwang mag-isa..
At di kumakain ng di ako kasama..


Laging ibinibigay ang malambot na higaan..
para lang aking matulugan..
syang may-ari ng higaan..
sa lapag mo madadatnan..


lumipas ang ilang taon..
pagtingin mo pala’y di na ganoon..
tropang pagtingin mo noon..
mahal na kung ituring ngayon..


ang linya kong dating binibitawan..
tila aking nakalimutan..
ngayon ako’y masaya..
buhat ng magmahal ng isa tropa..


ang pagkakaibigang nauwi sa pagmamahalan..
isang bagay na hindi inaasahan..
desisyong walang dapat pagsisisihan..
tunay na kaligayan ang naramdaman..






IKAW....


ikaw ang bumubuo ng araw ko..
at sa akin ay kumukumpleto..
ikaw din ang nagbibigay ng payo..
kapag ako ay problemado..


ikaw ang laging nagpapasaya..
dahilan ng aking ngiti at malakas na tawa..
lahat ng pagsubok ay kinakaya..
basta ikaw ay aking kasama..


ikaw ang pinakamatalik na kaibigan..
partner kong tunay na maasahan..
tumatanggap sa aking kamalian..
aalagaan..iingatan magpakailanman..


ikaw ang tumutulong sa akin..
mga pangarap ko’y abutin..
kalusugan ko’y iintindihin..
pagkat yon ang mahigpit mong bilin..


ikaw ang sagot sa aking dasal..
matagal kong hiniling sa Maykapal..
tunay at wagas na pagmamahal..
kakayanin, tatalunin lahat ng sagabal..


sa iyo umiikot aking mundo..
pinana at pinares ni kupido..
ang buhay ko’y inilaan na sa yo..
nais makasama hanggang tumanda tayo..


ikaw ang lahat lahat sa akin..
wala ng ibang hihilingin..
pinakamasayang araw man din..
ay mula nang IKAW ay maging akin...






Galit ako!!!!




Ngayon ko lang mailalabas ang galit ko,
tila ngayon lang bumukas ang isip na to..
dahil simula ng naging tayo..
ako’y naging bulag, tanga at bobo..


pero ngayong matino na ang ulo..
pakinggan lahat ng hinanakit ko..
ngayon lang sasabihin sa yo..
kaya tanggapin mo lahat ng ito..


nakakabilib nung nanliligaw..
laging nasa tama bawat mong galaw..
una akong babatiin pagsikat ng araw..
laging kausap ko ay ikaw..


simula ng maging tayo na..
mas inuuna na ang pagdodota..
wala ng oras para makipagkita..
dahil barkada ang mas gustong kasama..


puro sakit ang nadama,
sa relasyong lumipas na..
sakit ng ulo lang ang nakuha,
at walang nagawa kundi lumuha..


mundo ko’y umikot sa yo,
pinahalagahan ka pa ng todo..
pati sarili’y nagawang mabago,
para sa lang sa isang gago..


tiniis lahat ng pagdududa mo..
inintinding ikaw ay seloso..
ngunit anong ginawa mo?..
ikaw pala ang manloloko..


minsan lang kita mamumura,
gago ka, leche ka at punyeta!!!..
sino ka at ano bang meron ka?..
dahil..’gang ngayon,….


MAHAL PA RIN KITA!



No comments:

Post a Comment