Wednesday, February 15, 2012

Mga WAGAS na BANAT

> Minsan kung sino pa 'yung
HINDI KA LUBOS na kilala.

Sila pa 'yung NANGHUHUSGA
sa'yo ng SOBRA.

> Hindi ka biniyayaan ng
MAGANDANG MUKHA.

Para lang manlait ng iyong
kapwa.

> Hindi lahat ng tahimik ay
NASA LOOB ANG KULO.

Sila kasi 'yung tipo ng tao
na MARUNONG MAG-ISIP bago
KUMIBO.

> Aanhin mo naman ang
bahay na bato.

Kung KABIT ka lang naman
na itinira dito.

> Walang limitasyon ang
UMASA.

Pero may hangganan ang
pagiging TANGA.

> Walang taong PRETTY.

Sa babaeng nag-uumapaw
ang INSECURITY.

> Ang TSISMIS parang history
lang 'yan.

Pinaniniwalaan kahit hindi
naman nasaksihan.

> Ang RELASYON parang kape
'yan.

Lumalamig kapag
napabayaan.

> Hindi sapat na sabihin mong
MAHAL MO AKO.

Ang gusto ko, IPAGKALAT
MO!

> Aanhin mo ang MAGANDA/
GWAPONG karelasyon.

Kung siya naman ang
umuubos ng iyong IPON.

> Hindi dahil natikman mo na..
eh SA'YO na.

Minsan may FREE TASTE lang talaga.

> Ang FLIRT parang china
plone lang.

Nagmamagandang tingnan, LOW QUALITY naman.

> Ang hirap magtiwala..

Lalo na sa TAONG MAGALING MANGALIWA.

> Ang babaeng malungkot, madaling mahulog..

Sa lalaking ungng magko-COMFORT.

> Ang babaeng ayaw makipag-date.. PAKIPOT.

Ang lalaking ayaw makipag-date.. KURIPOT.

> Ang tunay na MALDITA..

Tinatawanan lang ang mga INGGETERA.

> Wag na wag mo akong tanunging kung mahal kita.

Baka kasi kapag sumagot ako, KILIGIN ka.

> Kung krimen man ang pagiging GWAPO o MAGANDA..

Wag kang mag-alala, INOSENTE ka.

> Walang CURE..

Sa taong INSECURE.

> Hindi mo maa-appreciate ang mga bagay na meron ka.

Hangga't patuloy kang NAIINGGIT sa iba!

> Kung ayaw mong sundan ng tukso.

Huwag kang UMARTE na parang INTERESADO!

> May mga taong kayang tiisin ang HAPDI.

Pero ang KATI, HINDI!

> Piliin mo 'yung taong kayang mag-effort na makausap ka.

Hindi 'yung taong maaalala ka lang pag no choice na siya.

> Wag kang matakot sa kaibigan mong MAGANDA.

Kabahan ka sa kaibigan mong MALANDI.

> Kung legal lang ang magsunog ng PLASTIC na tao.

For sure, POLLUTED na ang mundo.

> May shortage na ba talaga ng LALAKI ngayon.

At kailangan mo pang MANG-AGAW para magkaroon.

> Aanhin mo ang PAG-IBIG na WAGAS.

Kung pag nagsama na kayo, wala kayong pambili kahit na BIGAS.

> Ang SECOND CHANCE, binibigay para magbago.

Hindi para UMABUSO.

> Pangit man ako sa iyong paningin.

Paki-check 'yung boyfriend mo kasi sa akin nakatingin.

> Magaling ka lang MAGPAGANDA ng MUKHA.

Pero MAGPAGANDA ng UGALI hindi mo MAGAWA.

> Ang LALAKING hindi marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan.

Malamang NATULALA sa aking KAGANDAHAN.

> Ang TUNAY na KAIBIGAN kahit na busog pa 'yan.

Kapag nang-libre ka, KAKAIN at KAKAIN pa rin 'yan.

> Kapag may PROBLEMA kang pinagdadaanan.

Daanan mo lang, huwag mong tambayan.

> Aanhin mo pa ang iyong SEXY body.

Kung mukha mo lang naman ang makikita sa ID.

> Ang PULUTAN ay PAMATAY LASA.

Hindi PANTAWID GUTOM.

> "PANGIT" ka man sa paningin mo.

Huwag kang mag-alala "MARAMI KAYO".

> BALIW man ako sa iyong PANINGIN

Subukan mong TUMITIG, MABABALIW ka din.

> Aanhin mo si EX kung better naman si NEXT.

Anong silbi ni NEXT kung mahal mo pa din si EX?

> Lahat naman pwede mong maging KAIBIGAN.

Ingat ka lang kasi 'yung iba NAGPAPANGGAP lang.

> Kasing lakas ba ng ALAK ang TAMA mo sa kanya?

Wag kang mag-alala, darating din ang araw na ISUSUKA mo siya.

> May mga PAANG magandang SAPATUSAN.

Pero may mga MUKHANG masarap SAPATUSIN.

> Kapag IN A RELATIONSHIP na siya..

Matuto kang DUMISTANSYA.

> Sa sobrang GWAPO mo..

GWAPO na rin ang HANAP mo.

> Kung sa tingin mo magulo ang buhay mo.

Malay mo, sinadya 'yan para ayusin ko.

> Wag mo ng itanong kung bakit ako nabalian ng BUTO.

Malamang nung nahulog ako, HINDI MO AKO SINALO.

> Pwede kang magmahal ng SABAY pero aminin mo man o hindi.

Hindi mo sila kayang MAHALIN ng PANTAY.

> OK lang kung hindi MAGING TAYO.

Basta huwag lang ding MAGING KAYO.

> Aanhin mo ang MAGANDA at MAPUTI.

Kung sumasayad naman sa lupa ang LANDI.

> Hanapin mo 'yung taong gagawin kang PRIORITY.

Hindi 'yung gagawin ka lang TEMPORARY.

> Kung hindi ka gagawa ng kalokohan habang bata pa.

Wala kang maaalalang nakakatawa pag matanda ka na.

> Ang taong PANGIT..

Sa EDIT kumakapit!

> Motto ng PANGIT:
"What is beauty if your brain is empty."

Resbak ng MAGANDA:
"What is knowledge if your face is damaged."

> Ang mga babae parang pagkuha ng passport.

Ang daming REQUIREMENTS.

> Wag angkinin ang taong hindi na sa'yo.

Ang isipin mo, may taong magmamahal sa'yo at aangkinin ang puso mong pinaluha ng taong minahal mo.

> Kung ipagpapalit mo ako.

Siguraduhin mong dun sa MAIINGGIT ako, hindi dun sa MATATAWA ako.

> Ang mga babaeng sobra MAGLAMBING.

Sila din 'yung masyadong MATAMPUHIN.

> Kaya ko namang magmahal ng iba.

Kung hindi lang kita nakilala.

> Kung ayaw mong masaktan.

Simple lang, iwasan mong magmahal ng taong alam mong hindi ka kayang ingatan.

> Kapag hindi na nagpaparamdan ang taong mahal mo, baka patay na.

PATAY na PATAY na sa iba!

> Hindi mo naman masasabing tanga ka.

Siguro, matiyaga ka lang sa mga taong MAHAL mo ng SOBRA.

> Aanhin ang gandang UMAAPAW.

Kung ang BILBIL naman ay lumalawlaw.

> Huwag kang magmalinis..

Kung hindi ka naman MAKINIS.

> Ang PUSO hindi namimili ng ITSURA.

Yung UTAK lang talaga ang ECHOSERA.

> Aanhin ang ganda ng mukhang umaani ng puri.

Kung ang katawan naman ay saksakan ng landi.

> Glow in the dark ka ba?

Kasi sa GABI ka lang MAGANDA.

> Ang taong nagmamahal ng TAPAT.

Hindi sa Facebook BUMABANAT.

> Dapat habang tumatagal, lalo mo siyang pinapakilig.

Hindi 'yung habang tumatagal, bigla ka nalang manlalamig.

> Pag ang BABAE kinutuban, may KATOTOHANAN.

Pag ang LALAKI kinakabahan, malamang IN-LOVE 'yan.

> Sa dinami-daming GWAPO sa mundo.

Di ko na alam kung saan lulugar ang CUTE na katulad ko.

> Ang taong IN-LOVE..

Kung maka-IMAGINE sagad.

> Ang PRIDE sa damit ginagamit.

Hindi sa relationship.

> Ang LALAKING wala sa KATINUAN.

AKO ang nasa ISIPAN.

> Sa RELASYON man o sa ALGEBRA.

Ang eX talaga ang laging PROBLEMA.

> Mabait man sa paningin..

May tinatagong LANDI rin.

> Aanhin mo ang GWAPONG KARELASYON.

Kung siya naman ang uubos ng iyong FOUNDATION.

> MAGMAHAL ka ng totoo..

Hindi 'yung dahil NAIINGGIT ka lang sa mga kaibigan mo.

> Ang TUNAY na KAIBIGAN..

Tatawanan ka muna bago ka tulungan.

> Walang MATINIK na LALAKI..

Sa mala-PUSANG BABAE!

> Ang yabang ay para lamang sa may IPAGYAYABANG.

Kung wala pa, asikasuhin munang MAGPAYAMAN.

> Ang TUNAY na MAGANDA..

Kahit single, MASAYA!

> Ang hirap KUMALMA..

Lalo na pag SELOS na SELOS ka na.

> Aanhin ang ka-SWEETAN.

Kung sa lahat naman ay ginagawa niya 'yan.

> Ang TUNAY na LALAKI, mamahalin ka kahit anong mangyari.

Hindi 'yung iiwan ka kapag WALANG NANGYARI!

> Ang AMPALAYA ay inuulam.

Hindi INUUGALI!

> Aanhin mo pa ang SEXY at MAGANDA.

Kung lahat ng lalaki nag-PLANKING na sa kanya.

> Kung MAGMAMALINIS ka rin lang.

Sana nag-JANITOR ka nalang.

> Kung may bayad lang ang PAGSISINUNGALING.

Malamang LUBOG ka na sa UTANG.

> Maraming tao ang nakakakilala sa'yo.

Pero maniwala ka, iilan lang sa kanila ang nakakaintindi sa'yo.

> May mga lalaking kung makaporma feeling SWAG.

Samantalang ang batok puro libag.

> Minsan ang pagkukulang wala sa taong nagbibigay.

Kundi sa isip ng taong binibigyan.

> Kung wala kang relasyon.

Puso ko ang solusyon.

> Sabi nila:
"Wag ng hangarin ang pag-aari ng iba."

Sabi ko naman:
"Anong silbi ng pag-aari niya kung isang ngiti ko lang, pag-aari ko na siya?!"

> Halos lahat ng bilihin nagmamahalan na.

Tayo na lang ang hindi.

> You can't ever let go of all the feelings.

But you need to let go of him.

> Kung trabaho ko ang mahalin ka.

Siguro yumaman na ako sa kaka-OVERTIME sa'yo.

> Hundred of mens said:
"Walang matinong lalaki sa malanding babae."

I think it should be:
"Walang malanding babae kung matino ang lalaki."

> Wag mong isaksak ang sarili mo sa taong nagawa kang iwan.

Hanap ka nalang ng matino na kaya kang pahalagahan.

> Sa pagmamahal, walang TAMA o MALI.

Yun nga lang, merong PWEDE o HINDI.

> Ang KATOTOHANAN ay parang ANTIBIOTIC.

Mapait man pero nakakagaling.

> Ang babae, marami mang arte sa katawan.

Hindi 'yan gadget para kolektahin at paglaruan.

> Mas ok na ang mag-bingi-bingihan.

Kesa pakinggan ang mga kasinungalingan.

> Ayoko sa relasyong magtatagal.

Gusto ko 'yung hindi matatapos.

> Noong bata ako, ang dami kong PANGARAP.

Pero ngayon, AKO na ang PINAPANGARAP.

> Ang mga MANLOLOKO, parang LAMOK.

Kung kani-kanino dumadapo, nananakit na nga, nag-iiwan pa ng marka.

> Hindi porke may brace ka ay feeling gwapo ka na.

Tandaan: Ibig sabihin niyan, pangit ngipin mo!

> Hindi naman lahat ng minamahal, dapat pakawalan.

At hindi rin naman lahat ng minamahal, dapat ipaglaban.

> Pangarap kong gumising sa umaga na wala ka sa tabi ko.

Kundi nasa KUSINA at naghahanda ng almusal ko dahil ikaw na ang ASAWA ko.

> Kung palagay mo ikaw ang mundo niya.

Abay, adik ka! Feeling mo naman PLANETA ka!

> Sa dinami-dami ng description ng cute sa mundo.

Sa salamim ko pa nalaman ang true meaning nito.

> Wag mong gawing TAMBAYAN ang isip ko.

Pag ako naasar, IKUKULONG kita sa PUSO ko.





credits to SYMBIANIZE

No comments:

Post a Comment